ang wirdo, kakaiba at nakakalito bakit kahit wala ka na rito, ikaw pa rin ang nagiging rason kung bakit walang humpay pa rin sa pagtibok itong pagsinta ko saiyo—nakakalito talaga ang itinatak mo sa akin; na kahit umalis kana at pinili mong mapag-isa, ikaw pa rin ang nakikita sa lahat ng bagay. ikaw pa rin ang tila tala na nagniningning sa aking pagsulyap. kaya ang hirap. ang komplikado—masyadong magulo upang unawain ko ang mga ito.
totoo nga siguro na ang mga tao maaring umalis kahit anong oras nila balak. may kalayaan silang pumili kung anong petsa nila gustong kumawala mula sa atin—at wala tayong magagawa roon, hindi natin sila kailangan pilitin na dumito sa tahanan na sakanila ay isa ng kulungan. gayunpaman, kahit burado na ang kanilang presensya may isang bagay naman na mananatiling buo; at ito ang pag-ibig na inalay sa atin, ito ang pagmamahal nila na inihandog sa atin—dahil dito kahit punong-puno tayo ng pagkamuhi sakanila, hindi pa rin natin maiiwasan na mangulila sa kung sino at ano sila. ngayon alam ko na sa kahit sa kabila ng lahat, hindi pa rin multo ang iyong alab.
ayaw na kitang bumalik pa. hindi ko na rin naman hinihiling na sana nariyan ka. pero kahit ganon—kahit pa hindi na kita mahahagkan, o hindi ko na mararamdaman ang init ng iyong haplos—palagi ka pa rin buhay dito sa aking puso, hindi ka kailanman magiging patay dito, hindi magiging multo ang sayang idinulot mo—hindi ito maglalaho.
binitawan mo man ang iyong pangako, pero ang termino ng pag-ibig mo ay patuloy pa rin nakakandado sa aking pagkatao.